(Initially published in the author's alter account in Twitter)
Sundo. Hatid. Yun ang usapan namin. Sa kanya ang kwento, ako ang magdridrive.
Medyo excited, medyo takot ako. Open naman ako kung ano ang pwedeng mangyari… pero dapat hindi. Bawal. Dapat hindi talaga.
May paniniwala siya na lahat ng alters, sinasabi lang na sundo at hatid lang talaga. Pero sa karanasan niya, more than sundo-hatid pala.
Bahala na.
Medyo tahimik siya nung sumakay na. Di katulad sa DM, ang naughty! Teasing me to have sex with him.
Biniburo ko siya kung bakit nag deactivate siya. 2 araw lang, activated na naman, version 2 daw. “heartbroken ka noh,” sabi ko.
Bawal daw pag-uusapan ang mga bagay na ganyan.
“Anong pagkaka-iba sa version 2 mo?” tanong ko.
Tumawa na lang siya, “mas direct to the point na. Kung sex ang gusto, sabihin na agad na sex ang gusto.”
“So gusto mo pala ako maka-sex?” Kinilig ako sa tanong ko.
Tumawa na lang siya.
Sinadya kong lumiko, took the longer route, para mahaba ang aming usapan.
Nagtanong ako sa mga experiences niya sa mga lalaki. Nagkwento naman siya mga ka FUBU nya, sa mga alter meet ups, sa taong na friendzone siya, at sa huli, sa taong kung bakit nag deactivate siya.
“Ikaw, bakit mo ako sinundo?” tanong niya.
Huminga ako ng malalamin. “Lonely lang. Maraming iniisip and driving makes me relax. Plus, I love listening to stories.”
“Ah, isa lang pala akong kwento,” sabi niya. Hindi talaga siya naniwala na sundo at hatid lang daw.
“Gago!” sabi ko. “Baka bukas, ako na naman ang mag-deactivate.” Dagdag ko.
“Bakit naman?” Tanong niya.
“Parang di naman na-achieve ang purpose ko sa alter eh. Siguro, maliban sa porn, dun ako nagsimula eh. Tapos, nagbabasa na ng tweets ng tao, nagcocoment.. eto na ngayon, first time ko makipagmeet ng alter.” Kwento ko naman.
Medyo traffic at maulan sa part ng city na ito, I had to concentrate on driving a little bit. Medyo tahimik muna kami ng mga ilang minute.
“So wala bang maghahanap sayo?”
Huminga ako ng malalim, “Ahm, meron naman. Pero sabi ko nasa work pa ako….”
“Ah, ok. Now, I get it.” Sabi niya.
“Oo, kaya sundo, hatid lang tayo.” Sabi ko naman.
“Ano ang pakiramdam na may jowa? Gusto ko rin makigpag-jowa eh. Eh na friendzone ako bago lang, puta! Sabi ko, baka di talaga ako sa panglalaki.” Kwento niya.
“Tinanong ko rin yan sa isang ka FUBU ko na may jowa. Siyempre, gusto mo ding makipag-sweet sa jowa mo at mag holding hands in public. Natawa na lang siya.” Dagdag niya.
May biglang tumawag sa phone niya. “Ate… malapit na ako. Sige order niyo na lang ako.” sabi niya.
Salamat. Sigurado na ako na hindi ako magkasala! HEHE
Nung mga around 300 meters na lang bago ko siya ibaba, biglang inilagay niya ang kamay niya sa binti ko, “So, ano na? May kasunod pa ba to?”
Ah, shit, aaminin ko. Na-excite ako. Tumigas siya.
“Nahihiya lang ako sayo, dapat kanina pa ito nung malayo pa,” sabi niya.
Sa halip na sa unloading area ko lang siya ibaba, nag park na lang ako. Naghanap ako ng medyo malayo at madilim.
Natawa na lang kami. “Sundo at hatid lang ha. Tama nga ako, di talaga pwede yan!” Sabi pa niya.
“Hindi, sundo at hatid lang talaga.” Siguro para sa akin talaga yung sinabi ko.
Pinatay ko na ang kotse… at bigla na niya akong hinipuan.
Shit.
Car fun. Never ko pang na try to sa loob ng car ko. Malas daw kasi.
Pero, huminga ako ng malalim at kinuha ko ang kamay niya. “Holding hands na lang tayo,” sabi ko.
Tumahimik. Mga ilang segundo, napansin ko na naiilang siya sa pag-holding hands. “Awkward…”
I was surprised, “you’ve never held hands with a guy before?” I said.
“Well, meron, pero sa barkada, nung nag sex kami sa ka FUBU ko, pero mabilis lang. Hindi ganito.”
“Sige, may challenge ako, hold hands lang tayo. 5 minutes. Walang ibang gagawin.”
I started holding his left hand with my right hand, but he kept on transferring my right hand to his right hand… then he uses his left hand to stroke my dick!
AAAAH, ang struggle! “Pare, wag na, marami ka ng titi nahawakan eh. Eton a lang, kamay ko nalang. Sige na, 5 minutes lang.”
Ang kulit niya talaga. Kinilig naman ako.
“Loyal ka ba sa jowa mo?” tanong niya.
“Ewan ko, para sayo ba loyal pa ba to?” Sagot ko naman.
“Ramdam ko na nagstruggle ka talaga eh. Parang gusto na ayaw.” Sabi niya.
“Oo, gusto ko talaga, gustong gusto nga kitang halikan. Pero dapat hindi. Bawal. Dapat hindi talaga.” Sagot ko.
“I’ve tried car fun with my fubu, eto, iba din, holding hands lang!”
Pumayag din siya sa challenge ko, 5 minutes. I set an alarm. =)
5 minutes, tahimik lang, naka hawak kamay. May mga panahon na nilalaro ko mga daliri nya. He got soft and slender fingers. I closed my eyes.
May tumawag. Ate niya ulit. Ilang segundo lang, nag-alarm din.
“Oo, ate, andito na ako.”
“O ano. I have to go.” Sabi niya.
“Sige, sabi ko sayo eh. Sundo. Hatid. May bonus pa na holding hands.”
“Gago!”
Nung talagang lalabas na siya. Hinila ko muna siya at nilalapit ang mukha ko sa mukha niya. At biglaan ko siyang hinalikan.
Shit. Napapikit niya ang mga mata ko. It was a quick one, but the kind of kiss that I like.
“Isa pa.” hingi ko.
At hinalikan niya ulit ako.
Shit.
Sundo. Hatid. Yun ang usapan namin. Sa kanya ang kwento, ako ang magdridrive. Hindi ako sumunod sa usapan namin.
So ano na ngayon, deactivate ko na ba? (End).
No comments:
Post a Comment